Salabat Latte on ice. Genderless society. Muling pag-itim ni Michael Jackson. From each according to his skill, to each according to his need. Glow-in-the-dark contact lens. Aktibistang CEO. Lab gowns na fuchsia. First World Philippines. Okra and Ampalaya Salad with Saluyot dressing. Dictatorship of the invisible hand. Tokwang bangus.
Sapagkat tanging sa higpit ng pagkakagapos lamang sumsidhi ang hangaring kumawala sa sistemang mapaniil. Wasakin ang pinid ng pintuang pumipigil sa pagdaloy ng mapagpalayang kaisipan. Lumaya. Paliparin ang kamalayan hanggang maabot nito ang sulok na walang tigil sa pag-abante. At sa patuloy na paglawig ng kaisipan, patuloy ang paglaya ng sarili sa kapit ng mundong kinagisnan.
Malay mo. Malay Ko.
Kalayaan at Kamalayan*
*tema para sa
Waywaya 2007
Frequently Asked Questions:
Q: Ano ang Waywaya?
A: Ang Waywaya ay taunang kalipunan ng mga akdang pampanitikan ng Manila Collegian.
Q: Ano ang kahulugan ng salitang Waywaya?
A: Ang Waywaya ay nagmula sa salitang Iloko na wayawaya, na ang ibig sabihin ay kalayaan.
Q: Sino ang maaaring magpasa ng mga akda sa Waywaya?
A: Ang Manila Collegian ay tatanggap lamang ng mga akda mula sa mga constituents (mga mag-aaral, propesor, at empleyado) ng UP Manila, at sa extension nito, ang UP Palo.
Q:Anu-ano ang maaaring ipasa sa Waywaya?
A: Ang mga akda ay kailangang orihinal at hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon. Anuman sa mga sumusunod na akdang pampanitikan ang maaring ipasa: tula, sanaysay, maikling kwento, komposisyon, at script. Tumatanggap din ng mga visual arts entries tulad ng mga litrato, dibuho, o mixed media. Ngayung taon, maaari na ring magsumite ng mga video clips (na hindi lalagpas sa isang minuto), at mga kanta.
Q:Paano magpapasa ng mga akda?
A: Ipadala ang mga akda sa email account ng editorial board ng Manila Collegian: mkule_eb@yahoo.com. Maaari ring ihatid ang hard o soft copy ng mga akda sa opisina ng Manila Collegian: 4/F Student Center Building, Padre Faura St. Cor. Maria Orosa St., Ermita, Manila. Ilagay ang pangalan ng may akda, kasama ang student number, course at year level.
Q: Paano pipiliin ang mga ilalathalang mga akda?
A: Pipiliin ng editorial board ng Manila Collegian ang mga ilalathala batay sa mga sumusunod: (1) kaugnayan sa tema at (2) kagalingan sa akdang pampanitikan, visual arts, o media.
Q: Hanggang kailan maaaring magpasa ng mga akda?
A: Ang huling araw ng pagpasa ng mga akda ay sa ika-14 ng Nobyembre, 2006.
Q: Kailan maglalabas ang Manila Collegian ng Waywaya?
A: February 2007 ang target date of release ng Waywaya 2007.
#