Archive for November, 2006

bawi galore

Saturday, November 11th, 2006

eto na naman ako. nakikipag-chat, nagfriefriendster, nagbabasa ng kung anu-anong ka-eklatan sa internet. when i’m supposed to be doing.. well.. a LOT of things.

hindi pa nga nag-uumpisa ang semestre. pero kasi, ang tema ng buhay ko para sa semestreng ito ay "bawi galore." bawi kung bawi sa lahat ng mga bagay na napabayaan o pansamantalang inalis sa priority list dahil sa nakakapagod na nakaraang semestre.  an dami kasing nangyari, ang daming demands na sunod-sunod sumulpot, i can hardly keep up. so for a time, i just froze.

siyempre, nalulungkot ako ngayung hinaharap ko na ang mga bagay na napabayaan na talaga, yung mga tipong hindi ka na makabawi kasi lipas na. nakakapanghinayang. if only mas OC ako. mas organized. mas driven. if only i tried harder.

pero ang sinasabi ko na lang sa sarili ko, at least i have a chance to make things right. last sem ko na to. and right now, feeling ko naman im on the right track, more or less. sana nga lang walang makakasira sa mga plano ko.

***
for the last three days, kule lang ang takbo ng buhay ko. nakakatuwa. i realized that i missed doing press work. na-miss ko pala ang pag-aasikaso sa kule. at na-miss ko rin pala ang mga tao. lalo na ang paglamon namin ni yang. haha. (to quote azz: "ang takaw niyo pala") wala lang. kaso may mga ibang bagay na nangangapa uli ako — like yung shortcuts sa pagemaker limot ko na, or yung katangahan kong hindi ko na-save ang kopya ng isang dating issue ng kule bago pumuntang imprenta.

o well. feeling ko ngayun things will eventually settle down.  mas calm na ko siguro ngayun. mas optimistic. #

sentimental fool

Wednesday, November 8th, 2006

a week ago, nagkalkal ako ng mga gamit na itinabi ko, at matagal ko
na ring hindi nauungkat. the articles i found made me realize how my life has changed, but how some things remained the same. it made
me remember how important some things are in my life. it made me remember my previous frustrations
and anxieties, and how i somehow overcame them. and even more, i
realized that the future i was so anxious about before is now staring
at me, perhaps waiting impatiently for my actions. and i am wasting it
by dillydallying in the neurotic limbo that is my state of mind.

without
further ado, eto ang mga pertinent articles i found in my box and in my
filing cabinet, which i have not touched for a year or so.

1.) *ang scratch paper na ginamit ko sa kule qualifying exams. (yes, i saved it!)
naalala
ko tuloy  yung araw na  kumuha ako ng  exam para sa kule. sinamahan pa
ko ni sam nun, (at si carlo ay sinamahan naman ni yoshi). naghintay si
sam sa labas ng opisina. tuloy, na-educational discussion tuloy siya ni
athena ng tatsulok.

lumabas ako ng ofis, sure na sure na hindi ako matatanggap. later
on, niyayaya ako ni sam mag-Anak Bayan. Niyayaya ko siyang mag-soro,
dahil sure na sure nga akong isusuka ako ng kule. "kahit tanggapin nila
ako hindi na ako sasali dun."

yeah right.

fastforward to the future:
> hindi naging Anak Bayan si Sam. pero block 4 naman siya.
> hindi kami nagsorority. pero anjan ang UPK. lol.
> kule pa rin ako. hanggang ngayon.
> si carlo at si abi na. and i’m hoping yosh is as happy as my friends are.

2.) ang pina-photocopy na "the book of tea"
history
3. kaya lang naman namin kinuha yun instead of history 2 ay dahil sa
sinuggest sa amin yun ni mam mateo, at dahil bilib na bilib kami kay
mam mateo nuon and her take on "boni" and the philippine history,
kinuha namin ang histo 3 sa pag-aakalang siya yung magiging prof namin.
ha! si sir esguerra ang naging prof namin. oo, weird siya. bigla na
lang siyang nagsasayaw sa klase. unfair ang pagtingin niya sa aming mga
polsci (na pwede nang "magluto ng lecheflan sa dami ng itlog [na
iskor]"), especially when compared to his treatment of intermed
students. pero i kept the readings i had in that subject. marami rin
naman akong natutunan. matalino naman talaga si sir. kahit lagi namin
siyang pinagtatawanan, nasa kultura na ng pilipino ang pagtawanan na
lamang ang kanilang sitwasyon (erap, fpj and gma jokes, anyone?). yun
yung subject kung saan may nag-drop sa block namin. shock na shock pa
ang lola mo dahil wala naman sa bokabularyo ko ang pag-drodrop.
nanghita pa kami ng tape recorder, dahil sabi ni sir esguerra, may mga
estudyante raw na nirerecord pa ang kanyang mga lecture (at oo, uto-uto
talaga ang mga freshman).

fastforward to the present:
> hindi naman kami nakinig
sa nirecord namin kay sir esguerra. syempre pa, crammers kami. but the
tape recorder served a better purpose, di ba sam? "you are not alone, i am here with you…"
> in the tradition of aiza esguerra, we also have… a list of other inside jokes.

3.) an unsent letter i wrote when i was a sophomore.

eto ang pertinent na linyang sinulat ko dun (which i have decided
not to send because i felt i was wallowing too much over something that
will pass. ang motto ko noon: "and this too will pass")

…lahat
naman ng istorya ay pwedeng maging soap opera o sitcom, depende sa
treatment dito ng writer at director. sa ganitong gawi, maaari na lang
lunurin sa mga halakhak ang mga ganitong bagay, hindi ba?

fastforward to the present:
> eto ang sagot ko sa tanong ko dati: OO. (bwahahahaha)

3.) ang maliit na note galing sa kaklase ko dati na nakasakay ko sa bus pauwi ng lucena.
pumunta raw kasi siya ng simbahan nuon at, ewan basta galing daw sa simbahan yung note. binasa ko siya uli ngayun: "the less you open your heart to others, the more your heart suffers."
o well. hindi ko naman talaga pinagnilay-nilayan ng husto yung note na
yun dati. itinabi ko lang duon sa jewelry box na bigay sa akin ni mama
sang (yes, yun talaga ang tawag sa kanya) .

fastforward to the present:
>prinoproblema ako ng UPK
ngayun. =p actually, ngayun ko lang narerealize ang rammifications ng
prinoproblema nila sa kin. huwah.
>bihira na akong umuwi ng lucena. twice a year na lang siguro.
>ayon sa lola ko, kapag bumili ka ng limang ticket sa grand star na bus, libre ang susunod na sakay. lol.
>
bihira na rin akong dumalaw sa simbahan. napapagkamalan na rin akong
rizalista sa bahay, kahit hindi ko naman idol si rizal.

5 .) ang mga pasalubong ni marie

hindi ko na nga alam kun saan galing yung iba. haha. pero siyempre,
nakatago ang mga ito. sa kanya ko ata namana ang pagtatabi ng candy
wrapper. (dahil dati, letters at resibo pa lang tinatabi ko, haha)

fastforward to the present
>ang latest na pasalubong ni
marie: ang mini-bag na may elepante at tumutunog-tunog galing sa
thailand. yes. pang-international na si best friend. =)

6.) ang pansabit na papemelrotti, galing kay sarah.

kami yung gumawa ng dedication sa likod. kami rin ang bumili nun sa
papemelrotti. pasalubong yun para sa barkada nuong high school kami,
napag-isipan na rin naming bilhan ang isa’t isa. nasa rembrandt hotel
kasi kami nun for the ama national quiz bee, nang nagkayayaang
pumuntang mall. pagbalik sa hotel, nagpa-room service pa kami ng french
fries ni sarah nun. noon lang kami nakakita ng french fries na may
damo-damo. lol.

fastforward to the present:
> yung ka-block ko ngayun, muntik nang mag-nationals sa ama quiz bee.
>
nanalo kami. third place. kahit na nuong gabi lang talaga kami
nagseryosong mag-aral. sa paniniwala ko nuon, ang pagkapanalo namin ay
dahil sa pagpapala ng Diyos. Hawak ko ang rosaryo habang nasa contest.
> na-dyaryo kami afterwards. mainstream ha. pero syempre hindi front page.

[ipagpapatuloy. magkakalkal pa ko ng gamit.]