the rejects.
Friday, April 27th, 2007diliman. ulan. lubid. puno ng bulak.
#
(sipag ko noh).
diliman. ulan. lubid. puno ng bulak.
#
(sipag ko noh).
it was love at first sight. one look, and i knew it was real. i was on my way to the counter to pay for a magazine when I saw it. THE BOOK. it’s been a while since i really wanted to buy a book, and the moment i saw the title, i was hooked. Bell Jar. It was written by Sylvia Plath. I especially liked the quote printed in its back cover,which goes: "I felt very still and very empty, the way the eye of a tornado must feel, moving dully in the surrounding hulabaloo."
asteg. suicidal ang linya. asteeggg.
malapit na ang birthday ko. pera, mommy pengeng pera.
***
flashback, one sem ago: me, at a magazine rack in National Bookstore. indecisive. which mag to buy. The Economist, Time, or Newsweek. people came and went. general observation: men flipped through Time and Newsweek (probably too shy to flip through FHM etc?), women flipped through Cosmopolitan, Metro etc. Had the sudden urge to buy the Cosmopolitan Mag. Hurriedly went to the counter and bought The Economist instead. wheew.
***
Php200 na ang The Economist! powtah! that’s a Time Magazine and a Newsweek Magazine combined! that costs more than a venti-sized mocha frappe light with additional mint syrup! why am i whining? i don’t have that spare cash to buy those things anymore! kamote ang inflation rate, pagbaba ng purchasing power ng peso, pagtaas ng iba pang mga bilihin, at PANANATILI ng nominal value ng allowance ko since first year college! buhuhuhu. (oo, ang kapal ng muka kong magreklamo)
magkano ang isang ulam sa mga kainan sa taft ngayun? Php35. yung munggo nila, Php28. basta kung gusto mong makakain nang matino, maghanda ka nang at least Php 40. ikumpara mo yun sa Php5 per ulam sa karinderya nila aling tuding sa probinsya namin. grabe. nagulat talaga ako! may takal siya na tig-lilimang piso! huwaatt! tapos kung gusto mo nang medyo pang-mayaman na pagkain, mga tipong afritada… Php10 per takal! huwaattt!!!????
grabe talaga. at hindi naman masyadong super probinsya ang probinsya namin, capital naman kami ng quezon noh. kaya ayun sina kuya, sarap kain dun, nagpriprito nang isda tas bibili kina aling tuding ng limang pisong dinuguan at limang pisong ginataang saging. san ka pa?!
when i was a sophomere, i wrote an article about the problem of hunger in the country. at that time, the hunger rate in the Philippines was around 12 to 16.7%, said Social Weather Stations data. that was early 2005. two years and alleged economic growth later, hunger is still prevalent in the country. as of 2006, the rate ranges from 13.9 to 16.9%. Apparently, the growth in GNP does not "trickle down" to the people, as the president had said it would. As Mahar Mangahas of the Philippine Center for Investigative Journalism pointed out, the results of the survey on hunger show the "emptiness of the GNP."
>>> to be continued. i’ve to finish something else first. distracted na naman ako.
*in reaction to the articles read while researching for sources on the legitimacy of the president.
**"girl, focus (sam, 2007)."
*** "wala kang focus (mam tim, 2007)"
****"true =( (ixara, 2007)."
masama sa akin ang nasosobrahan ng tulog. dahil pag gising ko, malamang sa malamang may mahahanap akong dahilan para maging malungkot. o mainis. o ma-frustrate. katulad ngayon. yung kabalintunaang pagpapadala ng mga sundalo sa komunidad. HINDI ito tama. alisin na natin ang konteksto na malapit na ang eleksyon at nagproprop daw ang mga sundalo na huwag iboto ang mga leftist partylist groups (o baka naman nangangampanya para dun sa partylist ni palps?). alisin na natin yung kontekstong sinasagasaan at ginigipit ng presensya ng militar sa mga komunidad yung karapatang pantao at karapatang sibil (tama bang yun ang tagalog sa civil liberties? :P) ng mga naninirahan dun, pati na ng mga aktibistang nakikipamuhay sa kanila. sige, alisin natin ang mga kontekstong yun na sapat na upang sabihing hindi tama ang paglalagay ng militar sa mga komunidad.
hindi pa rin ito tama.
dahil bilang demokratikong bansa, kailangang may respeto ang lahat hindi lamang sa mga karapatang pantao at civil liberties (haha, hindi talaga ako sure sa tagalog ng civil liberties, pasensya na), kundi pati na rin sa mga procedural stuff (nakakahiya ang polisci major na to, tsk tsk tsk) at sa delineation ng authority at responsibility. nakalagay lang naman sa konstitusyon natin na dapat manatiling neutral ang mga sundalo sa mga politikal na ka-chuvahan ng bansa. sa paglalagay ng admin ng mga militar sa komunidad, binibigyan ng admin ng ibang papel ang mga sundalo. at oo, politikal na ito.
pero bahagi lamang ang hakbang na ito ng admin ng isang malawakang pag-popoliticize ng militar upang maging pabor ang mga ito sa kasalukuyang rehimen.
nariyan na nga ang pagtatalaga ng mga retired military officials sa matataas na posisyon ng CIVILIAN BUREAUCRACY. civilian ha.
nariyan din ang pagtakbo ng mga sundalo sa gobyerno, halimbawa na lamang ang nominasyon ni Palparan upang maging representative ng isang partylist. nakanang, maka-attend pa kaya ang mga leftist partylist representatives ng mga miting ng kongreso pag nagkataong nanalo si Palps?
<buntong hininga>
undeclared MARTIAL LAW, anyone?
at ang nakakalungkot dito, tila hinahayaan na lang natin na magpatuloy ang mga ganitong kabalintunaan ng admin. tila palasak na sa mga mata natin ang mga pang-araw araw na balitang "Bayan Muna, Killed," "Bayan Muna, Killed Again," at "LFS naman ng Bicol ang Tinitira." at mukhang hindi pa rin natitinag ang admin ngayon sa sunod-sunod na pagtira rito ng mga international organizations tungkol sa kalugmok-lugmok na kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa mga organisasyong ito ang United Nations, International People’s Tribune, Amnesty International. Kahit nga ang Senado ng US, napapa-iling na ng ulo.
nakakalungkot. nakakafrustrate. kaya nga ba hindi ako dapat natutulog nang ganito katagal.