hello world! banggain mo ako, sige lang. dahil tatayo ako at lalaban! bwahahahah. so here i am, bumming, pero hindi unemployed (dahil ayon sa latest definition ng unemployment, kailangang hindi ka na naghahanap ng trabaho para maging unemployed. so yes, kahit hindi ka kumikita ng pera, basta’t naghahanap ka ng trabaho, pasok ka pa rin sa depinisyon. sabagay, trabaho na rin siguro ang paghahanap ng trabaho dahil lakad ka nang lakad, exam dito, interview doon… NOT!)
so while i’m still employed at the business of looking for work, i’ve decided to document the experience (aka ANGST!). natututo naman ako dude. at may masasayang moments din naman. isa pa, nakakatuyo ng utak ang pamamalagi sa bahay at panunuod ng tv. kaya eto na, without further eclavu, my bumming blues! ( warning: dahil sabog ako, anything goes.)
1.) perennial na ang tanong na "tell us about yourself," which is but the interviewer’s way of saying "tulungan mo kaming iprito ka sa sarili mong mantika."
2.) i hate it when employers use BIG nice words to hide the fact that you’d still be slaving your butt off in a call center, or doing some routine, menial job which they hide by the title "business process outsourcing." no offense meant to the people working there, pero kasi naman, they don’t even read your resume– mine clearly said that i wanted to APPLY LESSONS LEARNED IN THE ACADEME. E san ba sa mga kursong kinuha ko sa Political Science tinuro ang pag-aayos ng payroll ng mga kano at pag-"eevaluate" ng mga travel expenses nila?
take for example, our blockhead fred, FRED THE MAGNA CUM LAUDE, got offered a job with a fancy title to it, but which he describes as "mas mataas ng konti sa kargador." kasi raw hindi ikaw yung magbubuhat nung mga kahon, ikaw lang yung mag-uutos sa mga tao kung san nila ilalagay yun. wow, and you need a four-year course for that kind of job?! (sabi ni carlo, baka kailangan mo pang i-compute ang tamang workload per person. sabi ko naman, idagdag mo na ang tamang angle for lifting. mwahahahaha, the arrogance of a UP grad) thank you very much IBM, pero kamusta naman kayo!
3.) pero mas nakaka-frustrate ang mga demanding na job postings na hindi lang masteral degree ang hinahanap, working experience pa, tas you have to be under 30 pa. e mabuti sana kung ka ganda nung trabaho. and dude, hindi counted ang pag-papaalipin sa mga call center. eto yung mga job postings na magpapaisip sayo na "girl, kelangan mo pang mag-aral."
4.)pag nag-exam ka sa umaga, brace yourself for an interview sa hapon.
5.) remember the thesis days when you use to console yourself that the paper would be useful one day? well at least i used to do that. at totoo ito, pramiz! kasi kapag may magtatanong sayo (sa job interview) if you’ve done a paper, may ready answer ka na. wag nga lang gumaya sa amin ni abi, nalimutan na naming yung ibang recommendation / findings. awwts.
6.)bakit ba naman kamalas-malas ng batch namin at nataon pag nag freeze hiring ang gobyerno dahil sa eleksyon? iniisip ko na lang na dahil may mga bagong papasok na senador, malamang naman siguro mangangailangan sila ng legislative staff….
… ipagpapatuloy