Archive for October, 2007

Oryx and Crake

Monday, October 29th, 2007

Agaw pansin ang cover ng librong Oryx and Crake: nakalarawan kasi dito ang dalawang hubad nababae na magkadaupang-palad, at sa unang tingin, hindi kamay ang maiisip mo pagnakita mo ang mga kamay nila.

Oryx_and_crake

 

marahil, ito ang dahilan kung bakit pilit sinisilip ng isang mama na nakasakay ko sa tren kung ano ang binabasa ko, at kung bakit ako napapabungisngis habang nagbabasa.

FYI mamang malisyoso, maganda ang mga satire sa kwento, at ito nakakatawa para sa kin.

hindi bago ang kwento ng libro. ang Oryx and Crake ay maaaring mabilang sa dystopia genre kung saan nilalahad ang katapusan o kinabukasan ng sangkatauhan bilang malagim at di kanais-nais.

nagbukas agad ang kwento sa dystopia: sa isang kakaibang mundo na puno ng kagubatan at mga kakaibang hayop, kung saan ang init ng araw ay nakakasunog ng balat ng tao.

gamit ang first person narrative at memory flashbacks, inilahad ni Snowman kung paano humantong ang mundo sa ganito.

 

sa mga puntong ito gumaganda ang kwento, dahil na rin sa mga kakaibang  produkto ng imahinasyon ni Margaret Atwood. Sa mundo bago ang dystopia, iba’t ibang klase ng imbensyon ang nagkalat.

 

nariyan ang mga pigoons — mga baboy na ginagamit upang gumawa ng organ parts ng mga tao. ang rakunk, ang new-age pet na pinagsama ang ka-kyutan ng racoon at ang pagka-mild mannered ng skunk. syempre wala na rin ang masangsang na amoy nito.

 

nariyan din ang nakakapangilabot na chickienobs, ang ultimate manok na walang mata, balahibo, paa at pakiramdam; ang tanging ginagawa lamang nito ay kumain at mag-prodyus ng chicken parts para sa isang fast food.

kadalasan, ang mga imbensyong ito ay base sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Gayun din ang mga problema sa mundo bago ang dystopia. Ang pakikibaka ng mga empleyado ng Hippacupa coffee ay kalinya ng mga problema ng Nestle coffee workers sa Pinas. Halos iisa na ang tagline nila: ‘Don’t drink death’ sa Hippacupa, at ‘There’s blood in your coffee’ naman ang sa Nestle.

Sa mundo bago ang dystopia, mas pinalala ng biological warfare ang isyung pangseguridad na dulot ng nuclear warfare ngayon. Kung sa kasalukuya’y nakakainis ang pagbubukas ng mga bag bago pumasok sa isang pampublikong lugar, ano pa kaya kung kailangan mong kumuha ng security pass at magpa-scan ng retina bago makapasok sa isang compound?

Paano nga ba humantong ang mundo sa dystopia? ito ang major plot ng librong Oryx and Crake. Hindi kagulat-gulat ito. Walang bago. Pero tulad ng 1984 ni George Orwell na maaaring ituring na ka-genre ng Oryx and Crake, hindi naman ang hinaharap ang inilalarawan ng kwento, kung hindi ang kasalukuyang mundo.